SWS survey: Mas maraming Pinoy tiwala sa takbo ng ekonomiya ayon sa Malacañang

Bagaman bumagsak ng anim na puntos ay welcome pa rin sa Malacañang ang panibagong survey ng Social Weather Station na positive forty ng mga Pinoy ang kuntento sa lagay ng ekonomiya sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, salamin ito ng vote of confidence kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi pa ni Roque na nararamadaman na ng taong bayan ang epekto ng paglago ng ekonomiya ng bansa.

Nananatili aniya ang economic target ng gobyerno sa 6.8 percent sa unang quarter ng taong kasalukuyan.

Base sa SWS survey na ginawa noong Marso, nasa positive forty ng mga Filipino ang positibo na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na labing dalawang buwan.

Nauna na ring sinabi ni Socioeconomic Sec. Ernesto Pernia na mas mataas pa sana ng confident level ng mga Pinoy sa economic status ng pamahalaan kundi lamang naapektuhan ng halaga ng ilang mga pangunahing bilihin.

Read more...