Resolusyon ng senado sa quo warranto decision vs Sereno posibleng matalakay pa

May posibilidad na matalakay pa sa senado ang resolusyon na kumukwestiyon sa pagkakasibak kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Ayon kay Senate President Tito Sotto III kung may hihirit sa mga pumirma sa resolusyon na maisalang na ito sa plenaryo ay maaring pagbigyan ito ni Majority Leader Migs Zubiri.

Paglilinaw din ni Sotto hindi siya pumirma sa resolusyon ngunit hindi nangangahulugan na kontra siya dito.

Ayon sa senador itinuturing niya ang sarili na neutral sa isyu.

Paglilinaw pa niya hindi siya pumirma dahil ayaw niyang masabi na pinakikialaman nila ang trabaho ng hudikatura.

Giit nito ayaw niya kasing makikialam din naman ang hudikatura sa trabaho nilang mga nasa lehislatura.

Magugunita na 14 na senador ang pumirma sa resolusyon at karamihan sa kanila ang nagsabi na pinanghimasukan ng Korte Suprema ang mandato ng senado na maging impeachment court.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...