Iminungkahi ito ni Namfrel President Eric Alvia sa gitna ng paghahanda ng Comelec sa 2019 midterm elections.
Ayon kay Alvia, mas mapapabuti ng mga taong may karanasan sa IT o project management ang implementasyon ng mga proyekto kaugnay ng automated election system at sa conduct of elections.
Sinabi ni Alvia na hindi naman kinakailangang abogado ang mga susunod na itatalaga sa Comelec.
Dagdag ni Alvia, dapat agad na punan ni Duterte ang dalawang bakanteng posisyon sa Comelec kasunod ng kumpirmasyon sa appointment ni Comelec chairman Sheriff Abas.