Puganteng si Ardot Parojinog naaresto sa Taiwan – PNP

Ozamiz City FB Page

Matapos ang 10 buwan na pagtatago, naaresto ng mga otoridad sa Taiwan kagabi ang puganteng si Councilor Ardot Parojinog, ang kapatid ng napaslang na si dating Ozamiz Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr.

Ayon kay Philippine National Police Chief Spokesman Chief Supt. John Bulalacao, si Chief Supt. Albert Ignatius Ferro ng Drug Enforcement Group ang nagkumpirma sa pagkaaresto kay Ardot pero sa ngayon ay hinihintay pa ng National Headquarters ang official report.

Si Ardot ay nagtago matapos ang madugong raid sa mga tahanan ng mga Parojinog sa Ozamiz na nagresulta sa pagkakapatay kay Mayor Parojinog nang manlaban umano ito sa mga operatiba na nagsilbi ng search warrant.

August 2017, nagpalabas ng lookout bulletin ang Department of Justice (DOJ) laban kay Ricardo kaugnay ng mga raids sa bahay ng mga Parojinog kung saan mayroong mga narekober na mga armas at bala.

Samantala, magpapadala naman ng team ang PNP sa Taiwan para maibalik sa Pilipinas si Ardot Parojinog.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...