SALN ni Pangulong Duterte at mga cabinet members, ipinapa-summarized na para maisapubliko

Inatasan na ng Palasyo ng Malakanyang si Presidential Communications Assistant Secretary Kris Ablan na i-summarize na ang statement of assets, liabilities and networth ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang cabinet members.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tradisyunal naman na kada taon na inilalabas ng gobyerno ang SALN ng pangulo.

Tiniyak naman ni Roque na agad na isasapubliko ng Palasyo ang SALN ng pangulo at ng iba pang cabinet members kapag natapos na aniya ang pag-summarize ni Ablan sa mga SALN.

Matatandaan na noong 2017, nasa 28.5 milyong piso ang net worth ng pangulo, mas mataas ng apat na milyong piso mula nang maupo siya sa pwesto sa Malakanyang noong June 2016.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...