LOOK: Ilang bahagi ng Maynila, Pasay at Cavite, mawawalan ng suplay ng kuryente

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Maynila, Pasay at Cavite.

Sa abiso ng Meralco, sa Maynila maaapektuhan ng power interruption ang bahagi ng Malate mula alas 11:30 ng gabi mamaya hanggang alas 5:30 ng umaga bukas.

Ito ay dahil sa isasagawang installation ng pasilidad ng Meralco sa Pilar Hidalgo Lim Street sa Malate.

Sa Pasay City naman, maaapektuhan ng power interruption ang ilang establisyimento mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas dahil sa maintenance works ng Meralco sa Central Business Park.

Sa Cavite, mula alas 9:00 ng umaga mamaya hanggang alas 2:00 ng hapon ang power interruption sa mga Barangay Molino III at VII sa Bacoor City.

Ito ay dahil naman sa line reconductoring works ng Meralco sa nasabing mga barangay.

At sa Dasmarinas City, alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay Salitran 1, dahil sa paglilipat ng pasilidad ng Meralco na naapektuhan ng itinatayong pedestrian overpass sa Aguinaldo Highway.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...