Panahon sa buong bansa, mananatiling maalinsangan ngayong araw

Makakaranas ng bahagya hanggang sa maulap na kalangitan ang buong bansa ngayong araw.

Ayon sa Pagasa, easterlies pa rin ang umiiral sa bansa na magdadala ng mainit at maalinsangang panahon na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi dulot ng localized thunderstorms.

Inaasahang pinakamainit pa rin sa Tuguegarao City sa 38 degrees Celsius habang 34 degrees Celsius naman sa Metro Manila.

Kahapon, pinakamataas ang temperaturang naitala sa 38.7 degrees Celsius.

Ang pinakamataas naman na heat index o aktwal na temperaturang nararamdaman ng katawan ay naitala sa Sangley Point sa Cavite sa 48.2 degrees Celsius na sinundan ng Guiuan, Eastern Samar at Casiguran, Aurora sa 48.1 at 48 degrees Celsius.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...