Ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS) survey na ginawa mula March 23 hanggang 27, 2018, nasa 46% ang umaasa na bubuti ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan.
Ang nasabing mga optimists ay mataas kumpara sa 6% na hindi maganda ang pananaw sa kalidad ng kanilang buhay sa susunod na mga buwan.
Nagresulta ito sa net optimism score na +40, bahagyang mababa sa +46 noong nakaraang quarter.
Samantala, nasa 42% naman ang nagsabi na uunlad ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan kumpara sa 12% na nagsabi na babagsak ito, bagay na nagresulta sa net score na +31 at 11 puntos na pagbaba sa huling quarter na +42.
Ayon sa SWS, excellent ang net optimism sa ekonomiya mula noong December 2015 na umabot pa sa pinakamataas na +56 noong June 2016.