‘Harsh but it is the law.’
Ito ang naging komentro ng Palasyo ng Malacañang sa desisyon ng Bureau of Immigration kung saan pinagtitibay ang deporation order laban kay Sr. Patricia Fox.
Ayon kay Presidential Spokesperson, nirerespeto ng palasyo ang desisyon ng BI.
“We respect the decision of the Bureau of Immigration. That’s the law. Dura lex sed lex,” ani Roque.
Pinagtibay ng BI ang desisyong kanselahan ang missionary visa ni Sr. Fox at ang desisyon anila ay ‘final at executory’.
Matatandaang noong nakaraang buwan ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinag-utos niya ang imbestigasyon sa misyonerong madre dahil sa umano’y ‘disorderly conduct’ at paglabag sa soberanya ng Pilipinas dahil sa pagsali sa mga rally laban sa gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES