Pumanaw bunsod ng heart failure si Marlon Jay Lorenzo ng Barangay Nagpandayan, Guimba, Nueva Ecija noong May 15.
Nakasaad sa medical record nito na una itong dumanas ng congestive heart disease at pneumonia.
Pero sinabi ni PAO Forensics Chief Dr. Erwin Erfe na nagdugo ang utak at lumaki ang mga organ ng binatilyo batay sa autopsy sa bangkay nito.
Ayon sa PAO, pareho ang kundisyon ni Lorenzo sa iba pang bata na namatay matapos maturukan ng Dengvaxia.
Sinabi ni PAO Chief Percida Scosta na humiling ng autopsy ang pamilya dahil tumanggap ang bata ng dalawang shots ng Dengvaxia, una noong December 26, 2016 at noong October 26, 2017.
Naospital ang bata sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa Cabanatuan City noong Hunyo at muli noong Setyembre ng nakaraang taon matapos sumakit ang ulo at likod nito at siya lagnatin.