Iginiit ni Davao City Mayor Sara Duterte, na walang nangyaring maling paggamit ng public funds sa ilalim ng kanyang pamumuno sa lungsod.
Ito ay matapos kwestyunin ng Commission on Audit (COA) ang halos mahigit kalahating bilyong pisong pondo na wala umanong tamang records o supporting documents ang mga transakyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na walang maling paggamit o nawawala sa pondo ng gobyerno at iginiit na malaki ang kanilang pagpapahalaga sa ‘transparency’.
Sa 2017 annual audit report ng COA, kaduda-duda umano ang kabuuang P486.34 milyong halaga ng inventory accounts kasama ang mga ‘non-existing items’ gaya ng office supplies, food supplies, medical, dental and laboratory supplies at iba pa.
Bigo umanong makasunod ang Davao City government sa regulasyong nag-aatas ng periodic inventory ng mga suplay at ari-arian na kinukuha ng lokal na pamahalaan.
Gayunman, ayon kay Mayor Duterte, nakapagsumite ang lungsod ng Davao sa tamang oras ng lahat ng dokumento at impormasyong kailangan ng state auditors kaya’t ang isyung ito ay naitama at naresolba na.