BI posibleng maghain ng isa pangdeportation case laban kay Sister Fox

Walang ibang magagawa ang Bureau of Immigration (BI) kundi magsampa ng isa pang deportation case laban kay Sister Patricia Fox kung hindi ito umalis sa bansa sa Biyernes.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, magsasagawa ang ahensya ng bagong deportation proceeding kung hindi susundin ng 71 anyos na madre ang kanilang 30-day leave order.

Nasa kautusan aniya na magkakaroon ng panibagong deportation proceedings kapag nanatili pa sa bansa ang madre.

Iginiit ni Sandoval na kahit umapela ang kampo ng Australyanong missionary sa Department of Justice (DOJ) ay pinal na ang utos nilang lisanin nito ang bansa.

Final at executory na anya ang utos ng ahensya at wala sa proseso na mag-file ng motion for reconsideration sa DOJ.

Pahayag ito ng Immigration matapos sabihin ng abogado ni Sister Fox na iaapela nila ang pagbasura sa kanilang motion for reconsideration kaugnay ng pagbawi sa kanyang missionary visa at utos na umalis ito sa loob ng 30 days.

Read more...