Mga nasawing sundalo sa Marawi pinarangalan

Pinarangalan ng Philippine Army ang mga sundalo na namatay sa limang buwang paglaban sa Maute Group sa unang anibersaryo ng Marawi Siege.

Nag-alay ng mga bulaklak sa Tomb of the Unknown Soldier sa Libingan ng mga Bayani.

Nasa 168 na mga sundalo at pulis ang nasawi sa paglaban sa mga terorista sa Marawi City noong nakaraang taon.

Ang giyera sa Marawi ang pinakamalaking banta sa seguridad ng Pilipinas na humamon sa kakayahan ng militar sa tinatawag na urban warfare.

Una nang inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakamali sa pagtugon sa Maute members kaya tumagal ang gulo sa siyudad.

Read more...