Pagbasura sa missionary visa ni Sister Fox iaapela a DOJ

Iaapela ng kampo ni Sister Patricia Fox ang utos ng Bureau of Immigration (BI) na umalis na ito sa bansa kaugnay ng pagbasura sa kanyang missionary visa.

Ayon sa abogado ng Australyanong madre na si Atty. Jobert Pahilga, maghahain sila ng apela sa Department of Justice (DOJ) sa linggong ito.

Inasahan aniya nila ang pagbasura ng Immigration sa kanilang motion for reconsideration kaya pinaghandaan na nila ito sa nakalipas na dalawang linggo.

Una nang inutos ng ahensya na umalis sa bansa si Sister Fox bago o sa araw ng Biyernes, May 25.

Ito ay matapos na kanselahin ang kanyang missionary visa dahil sa umanoy pagsama nito sa mga protesta laban sa gobyerno.

Read more...