Signal number 1 nakataas sa 8 lalawigan dahil sa bagyong ‘Lando’

Mula sa www.pagasa.gov.ph

Itinaas na ng PAGASA ang Public Storm Warning Signal Number 1 sa 8 lalagiwan sa bansa dahil sa patuloy na paglapit ng bagyong ‘Lando.’

Kabilang sa mga lugar na nasa signal number 1 ang mga lalawigan ng Isabela, Cagayan, Quirino, Aurora, Quezon kasama na ang Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes.

Ang mga naturang lugar ay inaasahang makakaranas ng ulan at hangin na nasa pagitan ng 30-hanggang 60 kph sa loob ng 36 na oras.

Sa 11 PM update ng Pagasa, lalo pang lumakas ang bagyong ‘Lando’ habang tinatahak ang direksyon ng Isabela-Cagayan.

Namataan ang bagyo sa layong 775 kilometro sa silangang bahagi ng Baler, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng kanilang na 105 kilometers per hour malapit sa gitna at bugso na umaabot sa 135 kph. Inaasahang tatahakin ng bagyo ang pakanlurang direksyon sa bilis na 15 kilometeres bawat oras.

 

Read more...