Ipinakita sa media ng mga opisyal ng Bureau of Customs ang mga nasabat na mga ipinagbabawal at regulated drugs sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ang mga ipinagbabawal na gamot na kinabibilangan ng Cytotec, Valium, Xolnox, Ritalin, Alprazolam; at Ambin ay nasakote ng pinagsanib puwersa ng Customs Police, NAIA Assessment Division, Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine Food and Drug Authority.
Ang mga kontrabando ay dumating sa bansa mula sa India at Pakistan, sa iba’t ibang petsa, May 24, July 05, at July 15 ng 2015.
Naniniwala ang mga otoridad na ang mga naturang kargamento ay labag sa Section 101(k) o Prohibited Importations at Section 2530 o Property na kailangang kumpiskahin salig saTariff and Customs Code of the Philippines as amended at RA 9711 “FDA” o Food and Drug Act of 2009; at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaagad naman inerekomenda ng BOC ang pagsasampa ng kaso Laban sa consignees ng mga kontrabando.
Hindi naman binaggit ng Customs kung sino ang nag-mamay-ari ng mga naturang kargamento at kung magkano ang halaga ng mga ito.
Ang paghihigpit ay bahagi ng kampanya ng pamahalaan laban sa mga iligal na droga ganun din sa mga tinatawag na drug mules.