76 ang nais maging susunod na pangulo, 15 ang nais maging pangalawang pangulo

comelec bldg
Inquirer file photo

Isang araw bago matapos ang itinakda ng Commission on Elections para maghain ng Certificate of Candidacy sa local at national elective posts, muling dumagsa sa tanggapan ng ahensiya ang iba pang nagnanais na tumakbo sa nalalapit na halalan sa May 2016.

Sa pinakahuling datos ng COMELEC ngayong araw, ika-15 ng Oktubre, umabot na pitumpu’t anim ang naghain ng COC sa pagka-presidente, labing lima sa pagka-bise presidente, walumpu’t tatlo sa pagka-senador at isandaang at dalawampu’t pito naman sa partylist group.

Mula sa limampu’t pito na kabuuang bilang ng mga naghain ng COC sa pagka-pangulo kahapon, nadagdagan ito ngayong araw ng labing siyam na kandidato.

Kabilang sa labing siyam ay sina:

  1. Manuel Roxas
  2. Quiterio Castilla
  3. Jose Larry Maquinana
  4. Camilo Tiqui
  5. Justino Padiernos
  6. Apolonia Soguilon
  7. Erenia Romanillos
  8. Sahiron Salim
  9. Benecio Rufil
  10. Buenafe aka Brigido
  11. Elizabeth Capular
  12. Crisostomo Arada
  13. Mary Grace Poe-Llamanzares
  14. Maria Victoria Del Rosario
  15. Edna Guillermo
  16. Gary Jamile
  17. Edwin Padirogao
  18. Rodel Mancilla
  19. Ranulfo Feliciano

Sa pagka-pangalawang pangulo naman, nadagdagan ito ng apat ngayong araw mula sa labing isa na bilang kahapon. Ang apat ay sina:

  1. Maria Leonor Robredo
  2. Hermito De Asis
  3. Diego Palomares Jr.
  4. Francis Joseph Escudero

Nadagdagan naman ng tatlumpu ang bilang ng mga naghain ng COC sa pagka-senador na mula sa limampu’t tatlo na kabuuang bilang kahapon. Kabilang sa tatlumpu ay sina:

  1. Robert De Castro
  2. Alvin Almirante Bersales
  3. Sandra Cam
  4. Nariman Ambolodto
  5. Hernando Bruce
  6. Allan Montano
  7. Lorna Kapunan
  8. Cresente Paez
  9. Jay Angelique Jaafar
  10. Ephraim David
  11. Leila Norma Eulalia Josefa De Lima
  12. Celedonio Ompad
  13. Ray Dorona
  14. Pol Bulilan
  15. Antonio Aquilino
  16. Teofisto Guingona III
  17. Fausto Cabantac
  18. Sergio Osmeña III
  19. Floresca Leto
  20. Bethsaida Lopez
  21. Yusoph Mando
  22. Habib Adz Nikabulin
  23. Rosauro Revilla
  24. Nicandro Pitos
  25. Rosalinda Dacanay
  26. Catherine Gawat
  27. Arturo Remo
  28. Elizabeth Del Rio Martinez
  29. Amado Combate
  30. Mary Lou Estrada

Ilan sa mga kilalang personalidad na naghain ng kanilang COC ngayong araw ay sina Liberal Party standard bearer Mar Roxas at ang kanyang runningmate na si Camarines Sur Rep. Leni Robredo.

Gayundin sina Sen. Grace Poe na kasama ang kanyang ina na si Susan Roces at runningmate na si Sen. Chiz Escudero na kasama naman ang asawang si Heart Evangelista.

Hanggang bukas na lamang ang itinakdang araw ng COMELE para maghain ng COC ang mga kandidato na tatakbo sa 2016 elections.

Read more...