High-value target ng Muntinlupa arestado sa buy bust operation

SPD PIO Photo

Timbog ang dalawang suspek kabilang ang isang high-value target sa ikinasang drug buy bust operation sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.

Nakilala ang mga suspek na sina Rosalie Malicsi na ginagamit rin ang pangalang Sally, 40 taong gulang na residente ng Barangay Poblacion sa kaparehong lungsod; at Juan Carlos alyas Teng, 35 taong gulang na residente ng Barangay Putatan.

Si Malicsi ang level 2 high value target ng Muntinlupa City Police Station.

Narekober mula sa dalawa ang apat na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang maroon na Mitsubishi Adventure na may Plate No. XGL 660 na posibleng ginagamit ng mga ito sa kanilang mga transaksyon.

Kasalukuyang nakakulong sina Malicsi at Carlos sa Muntinlupa City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...