Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Abu na sa kabila ng babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na mahaharap sa kaukulang mga kaso ang mga hindi nagbabayad ng tamang buwis binabalewala ito ng Shell.
Ayon kay Abu, aabot na sa mahigit isandaang bilyong piso ang nawawala sa pamahalaan dahil sa labintatlong taong kabiguan ng Shell na magbayad ng buwis..
Paliwanag ng mambabatas simula taong 2004 hanggang 2009 umaabot na sa P7.348B ang tax deficit ng Shell dahil sa imporation ng mga sangkap sa paggawa ng gasolina.
Sinabi pa nito na noong taong 2010 sinabi ng Customs District Collector ng Batangas na inihinto na ng Shell ang illegal imporation pero noong May 2010 hanggang June 2011 ay P1.99B ang na asses pa na tax deficit ang BIR sa Shell.
Bukod pa anya sa mga nabanggit na halaga nalulugi ang gobyerno ng P55M kada araw dahil sa patuloy na pang angkat ng Shell.