Ayon sa International Committee of the Red Cross nasa 230,000 na mga katao ang nananatiling displaced kahit tapos na ang giyera.
Dapat umanong mabawasan ang paghihirap ng mga residente kaya kailangan na maging mabilis ang pagbangon ng siyudad.
Sinabi ni Pascal Porchet, Head ng ICRC delegation sa Pilipinas na kumaunti na ang pinamimigay na mga pagkain at wala ng gaanong inaalok na trabaho sa mga naapektuhan ng gulo.
Dagdag ng grupo, nakaasa pa rin ang mga Marawi evacuees sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa kanilang pamumuhay habang ang mga bakwit sa mga evacuation centers ay hirap sa hindi magandang kundisyon sa lugar at dumarami ang nagkakasakit.
Wala na rin anyang sapat na supply ng tubig at kuryente at maski ang tamang sewage system ay dapat na maresolba agad.
Nangako naman si Porchet na patuloy nilang tutulungan ang mga biktima ng limang buwang Marawi siege.