Bagaman tatlong buwan pa bago ang simula ng kampanya para sa Eleksyon 2016, ngayon pa lang ay nagpapaalala na ang Comelec na mahigpit nilang babantayan ang campaign spending.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kasama sa kanilang imomonitor ay ang gastos ng mga pulitiko sa on-line advertisement.
Sa ilalim ng Republic Act 71-66 o Synchronized Elections Law of 1991, ang mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang-pangulo ay pinapayagan na gumastos ng sampung piso sa pangangampanya sa kada botante, habang ang mga kandidato sa ibang pwesto ay tatlong piso kada botante.
Ang mga partido pulitikal naman ay pinapayagan na gumastos ng limang piso sa kada botante sa mga lugar kung saan sila ay may pinatakbong kandidato.
Nauna nang iginiit ng Comelec na mahigpit nilang ipatutupad ang campaign finance rules para sa Eleksyon 2016.
Paalala pa ni Jimenez, seryoso ang Comelec sa isyung ito kaya dapat ay seryosohin din ito ng mga kandidato dahil hahabulis sila ng komisyon manalo man o matalo sa susunod na halalan.