Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magandang balita ito para sa palasyo.
Hindi maikakaila ayon kay Roque na isa sa mga prayoridad na panukalang batas ng administrasyong Duterte ang magkaroon ng Philippine Identification System.
Sa ilalim ng panukala, isang government issued I.D system na lamang ang gagamitin ng mga Filipino sa passport, driver’s license, Social Security System, Government Insurance System, Philhealth, Pagibig at National Bureau of Investigation.
Habambuhay na rin na magiging valid ang philippine identification system at wala nang expiration.
Magugunitang ilang beses na ring isinulong ang nasabing panukala sa mga nakalipas na administrasyon na kilala rin sa tawag na national I.D system.