Pangulong Duterte magpapatingin na sana sa psychiatrist pero pinigilan ni NSA Esperon

Nakahanda na sana si Pangulong Rodrigo Duterte na patulan ang hamon noon ni United Nnations Human Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussien na magpasuri sa siya isang psychiatrist dahil sa sunod-sunod na pambabatikos ng punong ehekutibo kay UN special rapporteurs Agnes Callamard.

Sa talumpati kahapon ng pangulo sa 120th anniversary ng Philippine Navy sa Coconut Palace sa Maynila sinabi nito na pinigilan lamang siya ni National Security Adviser Hermogenes Esperon na murahin si Zeid dahil kamag-anak umano nito si King Abdullah ng Jordan.

Ayon sa pangulo, ayaw ni Esperon na maantala ang kinukuhang dalawang cobra attack helicopter sa Jordan.

Pinayuhan na lang umano siya ni Esperon na tanggapin ang insulto.

“I was criticized by a human rights commissioner, or the highest guy. And he said, “maybe Duterte needs to go to the psychiatrist. I would have wanted to but Esperon said, “no, do not do it. Maybe mayor, you can swallow insults. Anyway you are doing it because everyday you are throwing curses, epithets and all and the people that you… Eh hindi man rin sila makaganti, this time I am asking you to shut up. Why? You know that high official there is the brother of the king of Jordan. Because I prepared a little you know, as a maybe a rebuttal and I said — and he said, “please do not do it or else we will… I will lose the…” ayon sa pangulo.

Kahapon ay inanusyo ng pangulo na binigyan na ng jordan ang pilipinas ng dalawang cobra attack helicopter.

May kamahalan aniya ang helicopter at hindi kayang bilhin ng pilipinas.

Ayon sa pangulo, gagamitin ng pilipinas ang cobra attack helicopter laban sa terorismo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...