Ayon sa kapatid ng biktimang si Angelo Claveria, inihahanda na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga dokumento para sa pag-uwi ng mga labi sa Cabatuan, Iloilo.
Sa Iloilo kasi nakabase ang pamilya ng biktima.
Binigyan ng otorisasyon ng ina ni Claveria si Geln Corpin, Assistance to Nationals officer ng Philippine Embassy sa South Korea, para asikasuhin ang mga dokumento sa nasabing bansa.
Sasalubungin naman ng pamilya Claveria ang mga labi ng biktima sa Iloilo International Airport.
Samantala, bibigyan ng tulong-pinansiyal ng OWWA ang pamilya para sa libing ng biktima at ang matitira ay mapupunta sa kanyang ina.