2 arestado matapos mahulihan ng marijuana sa Davao Oriental

FILE PHOTO

Arestado ang dalawang drug suspects makaraang mahulihan sila ng tatlong kilong marijuana sa Mati City, Davao Oriental Miyerkules ng madaling araw.

Sa isinagawang operasyon ng Task Force Davao, nakuha ang 13 bundle ng marijuana sa sasakyan ng dalawang suspek na kulay pulang Toyota Innova.

Tinatayang nagkakahalaga ng P80,000 ang nakuhang marijuana sa dalawa.

Batay sa imbestigasyon, ihahatid sana ang mga marijuana sa NHA Buhangin sa Davao City.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang suspek na non-bailable dahil lampas 500 gramo ang nasamsam na marijuana.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...