Ito ang sinabi ni Prof. Rommel Banlaoi, isang national security expert sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ani Banlaoi, malakas ang presensya ng militar ng China lalo na sa Scarborough Shoal kaya kahit ang US ay mahihirapang umaksyon dito.
Sinabi ni Banlaoi na mayroong standing policy ang US na pagiging neutral sa usapin ng territorial claims at ang tanging interest lamang nila sa South China Sea ay ang mapanatili ang freedom of navigation.
Malinaw din ayon kay Balaoi na ayaw ni Pangulong Rodigo Duterte na humingi ng tulong sa Estados Unidos para maigiit ang pagmamay-ari ng Pilipinas sa pinag-aagawang teritoryo.
Sa kabila nito ani Banlaoi, malakas pa rin naman ang military relationship ng Pilipinas at ng Amerika.