Brigada Eskwela sa Marawi City pangungunahan ni Sec. Briones ng DepEd

Ngayong anibersaryo ng marawi siege, pangungunahan ni Department of Education (DepEd) Sec. Leonor Briones ang isasagawang Brigada Eskwela sa lungsod.

Ayon kay DepEd Undersecretary Tonisito Umali, personal na pangangasiwaan ni Briones ang aktibidad sa Marawi City upang siguruhing nakahanda na ang mga paaralan sa lungsod para sa pagbubukas ng klase sa June 4.

Sa ilalim ng Brigada Eskwela sa titiyaking nakumpuni na ang mga paaralan na pwede pang magamit ng mga mag-aaral.

Maraming paaralan ang napinsala sa Marawi City sa limang buwan na pagkubkob ng Maute Terror Group.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...