Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, sa susunod na buwan ay sisimulan na nila ang pangungumbinsi sa mga kasamahang kongresista na suportahan ang ihahaing impeachment complaint sa ikalawang linggo ng Hunyo na lalagdaan ng limang miyembro ng magnificent 7.
Nilinaw naman ni Lagman na hihintayin pa rin ang pinal na desisyon ng mga mahistrado ng Korte Suprema kung irerekonsidera nila ang desisyon nila sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Subalit kung hindi umano irerekonsidera ng walong mahistrado ang quo warranto petition ay ihahain nila ang impeahment complaint na base sa culpable violation of the constituion.
Para naman kay Caloocan City Rep. Edgar Erice, dapat payagan din ng liderato ng Kamara na gawin ang proseso na ginawa nila sa impeachment hearing ni Sereno sa walong mahistrado na masasampahan ng reklamo.
Iginiit pa ni Erice na wala silang magagawa kundi ihain ang reklamo laban sa walong mahistraddo dahil sa minamaliit nila ang kongreso at ang kapangyarihan ng Judicial and Bar Council (JBC) para magtalaga ng mahistrado at sa iba pang posisyon sa korte.