Pinangunahan ng common law wife ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Honeylet Avanceña at ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang inagurasyon ng bagong gusali.
Sinabi ni Avanceña na ang mabilis na competion ng proyekto ay patunay ng pagmamahal ng pangulo sa mga residente ng Region 8 na matatandaang nakaranas ng matinding hagupit ng bagyong Yolanda noong 2013.
Inihayag din ni Avenaceña na iniyakan ni Pangulong Duterte ang napakaraming namatay noon sa bagyong Yolanda.
Samantala sinabi naman ni Go na kasabay ng pagbubukas ng main building ng EVRMC ay hudyat naman ng expansion sa rehiyon ng malasakit center ng Pangulong Duterte na isang one-stop-shop para sa mas accessible na programa ng gobyerno na magbibigay ng medical financial assistance sa mga mahihirap.
Kasabay nito, nagturn-over si Go ng 15 million pesos sa EVRMC management para sa unang buwan pa lamang na operasyon ng Malasakit Center na ikalawa na sa Visayas kung saan ang isa ay nasa Cebu City.