Inako ni Pangulong Rodrigo Duterte ang responsibilidad sa maling pagtugon sa giyera sa Marawi City.
Sa kanyang talumpati sa anibersaryo ng Philippine Navy ay sinabi ng pangulo na may mga mali sa paglaban sa teroristang Maute Group kaya tumagal ng limang buwan ang gulo.
Masakit umano para kay Duterte na may mga namatay sa Marawi at mag-iiwan na ito ng marka sa kanyang kasaysayan bilang pangulo.
Nahirapan din umano ang pangulo na nangyari ang Marawi Siege sa gitna ng kanyang biyahe sa Russia kung kailan nakikipag-ugnayan siya para sa ikabubuti ng bansa.
Pero anuman aniya ang pagkakamali sa Marawi ay kanya itong pananagutan bilang pangulo ng bansa at pinuno ng tropa ng gobyerno.
MOST READ
LATEST STORIES