VP Robredo inakalang lumapag ang bomber planes ng China sa West Philippine Sea

Leni Robredo Media Bureau Photo

Nagpahayag ng pagkaalarma si Vice President Leni Robredo sa patuloy na militarisasyon ng China sa South China Sea.

Gayunman, sa kanyang press statement ay nagkamali ang bise presidente sa pagpapahayag na bomber planes ng China ay lumapag sa mga islang ipinaglalaban ng Pilipinas partikular sa West Philippine Sea.

“Lubhang nakababahala ang mga balitang mayroong lumapag na mga eroplano mula sa Tsina sa ating mga isla, na may kakahayahang gumamit ng armas nuklear. Maliban pa rito, nakakaalarma rin ang pagsagawa ng mga landing at take off exercises ng Tsina sa West Philippine Sea gamit ang kanilang mga long-range bombers,” pahayag ni Robredo.

Ang H-6K long-range bombers ng China ay lumapag sa Woody Island na nasa loob ng Paracel Islands; na malayo sa Pilipinas at teritoryong hindi ipinaglalaban ng bansa.

Bagaman na sa labas ng maritime claim ng Pilipinas ang Paracel Islands ay pinangangambahan ng bansa ang naturang bomber planes dahil sakop ng range nito ang buong Pilipinas.

Bilang tugon sa post ng Inquirer.net sa Twitter tungkol sa kamalian ni Robredo, iginiit naman ng legal adviser ng Office of the Vice President (OVP) na nananatili pa rin ang ipinupunto ng pahayag.

Ani Gutierrez, isa pa ring banta sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea at sa seguridad sa rehiyon ang bomber planes ng China at dapat ay tugunan agad ito ng Department of Foreign Affairs (DFA).

These Chinese nuclear-capable bombers pose a threat to PH interests in the WPS and the security of the region, and our [Department of Foreign Affairs] should address this issue decisively,” ani Gutierrez.

Sa kanyang pahayag ay iginiit ni Robrero na dapat maghain ng diplomatic protest ang DFA sa China at ipaabot ang mariing pagtutol sa mga aksyong ginagawa nito.

VP Leni Robredo Official Facebook Page
Read more...