Media ng NoKor muling binatikos ang South Korea at US

AP Photo

Habang papalapit ang summit sa pagitan ng North Korea at Estados Unidos ay muling binatikos ng NoKor media ang South Korea at US.

Tatlong mga commentaries ang inilabas ng official media ng NoKor patungkol sa isinagawang joint military exercises ng Seoul at Washington at pag-demand sa South Korea na aksyunan ang mga defectors ng NoKor na nagpapadala ng anti-North Korea propaganda leaflets sa border

Noong nakaraang linggo lamang ay pinutok ng NoKor ang high-level contact sa Seoul at nagbanta na magbabackout sa summit kasama si US President Donald Trump.

Inakusahan pa ng Pyongyang ang Seoul na ipinapakita ng kanilang military drills kasama ang Washington ang pagpapakita ng lakas kontra sa kanilang bansa.

Sa ngayon ay wala pang indikasyon na may balak talaga ang North Korea na ikansela ang planong pagsasara ng kanilang nuclear test site. Wala ring sinabi ang NoKor na muli silang magsasagawa ng nuclear testing at maglulunsad ng ballistic missiles.

Read more...