Gilas wagi kontra UE sa FilOil Flying V Preseason Cup

Pinabilib ni Kai Sotto ang coach ng Gilas dahil sa kanyang debut performance sa tapatan ng Gilas at University of the East para sa FilOil Flying V Preseason Cup.

Bagaman hindi ganoon kalaki ang naging kontribusyon ni Sotto sa laban ay natapos naman ang laro sa iskor na 63-61, pabor sa Gilas.

Ayon sa coach ng Gilas na si Jong Uichico, matalinong manlalaro si Sotto at para sa isang 17 taong gulang ay tinitiyak nito na alam niya ang lahat ng nangyayari sa loob ng court.

Ani Uichico, nabilib siya sa naging paglalaro ni Sotto na pumasok lamang sa huling quarter ng laban.

5 points, 3 rebounds, at 2 blocks ang naibigay ni Sotto sa kanyang paglalaro.

Samantala, si Abu Tratter ang nanguna sa koponan matapos nitong magtala ng 13 puntos.

Si Alvin Pasaol naman ang nanguna para sa UE sa pamamagitan ng kanyang 22 points.

Read more...