Ruling ng UN sa pinag-aagawang teritoryo isasantabi ng Palasyo

Isasantabi na muna ng Palasyo ng Malacañan ang naging arbitral ruling ng United Nations (UN) sa maritime dispute sa South China Sea.

Paiwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque, walang intensyon ang palasyo na galitin ang China habang inaayos ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

Hindi na rin aniya bago para sa Palasyo ang paglanding ng bomber plane ng China sa South China Sea pati na ang paglalagay umano ng missile system sa West Philippine Sea.

“Ang perspektibo ng Malacañan ay wala pong bago dito, lahat po ‘yan nangyari na, parte na po ‘yan ng kasaysayan,” ani Roque.

Malinaw naman aniya ang intensyon ng China nang magsagawa ng reklamasyon sa mga isla sa South China Sea ay para gamitin ito bilang base militar at hindi para gawing tourist attraction.

Ayon pa sa tagapagsalita ng pangulo, “We will move on issues we can agree upon and set aside contentious issues for now.”

Read more...