TRAIN 2 posibleng hindi makausad bago matapos ang sesyon sa Kongreso

Posibleng hindi maipasa ang ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law bago mag-adjourn ang Kamara sa susunod na linggo.

Ipinahayag ito ni House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa gitna ng mga tumutuligsa sa ikalawang bugso ng TRAIN na kontra mahihirap umano ito, sinabi ni Alvarez na mas mabuting hintayin na lamang na talakayin ito ng komite.

Umarangkada na ang pagdinig ng House Ways and Means Committee sa ikalawang package ng TRAIN ngayong araw.

Sa ilalim nito, target na bawasan mula 30% sa 25% ang corporate income tax.

Read more...