BBL maipapasa na bago matapos ang sesyon ng Kongreso — Alvarez

Positibo si House Speaker Pantaleon Alvarez na maipapasa ng Kamara ang Bangsamoro Basic Law sa ikatlo at huling pagbasa bago i-adjourn ang sesyon sa June 1.

Ipinahayag ito ni Alvarez matapos makipagpulong ng mga lider ng Kamara sa Bangsamoro Transition Commission kaugnay nito.

Ayon kay Alvarez, humiling ng tatlong araw ang BTC para konsultahin ang grupo ukol sa panukalang pagbabago sa BBL.

Hindi naman isiniwalat nina Alvarez at Majority Leader Rodolfo Fariñas ang detalye ng naging pagpupulong sa BTC.

Sinabi ni Fariñas na magkakaroon ng pangalawang caucus matapos silang bigyan ng update ng BTC sa Lunes.

Read more...