Mga taga-suporta ni Duterte nagpakalbo sa harap ng Comelec

duterte supporters
Inquirer file photo

Sa gitna ng mainit na panahon, nagpakalbo ang sampung lalaking taga-suporta ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte malapit sa punongtanggapan ng Comelec. Gamit ang electric razor, ang pagpapakalbo ay ginawa sa kahabaan ng Soriano Avenue tapat lamang ng Palacio Del Gobernador.

Binansagan nila ang kanilang aktibidad na “Pagpapakalbo para sa Pagbabago”.

Simbolismo raw ito ng itinutulak nilang kalinisan sa gobyerno tungo sa malinis ang pamahalaan mula sa tiwaling opisyal.

Hanggang ngayon ay umaasa ang mga taga-suporta ng Davao City Mayor na makukumbinsi nila ito at itutuloy ang pagtakbo bilang Pangulo sa 2016.

Samantala, nagsagawa rin ng kilos protesta sa mismong harapan ng Palacio Del Gobernador ang mga myembro ng Grupong Anakbayan. Meron silang bitbit na replika ng Optical Mark Reader o OMR unit na gawa sa karton at tinuligsa ang kredibilidad ng pagbibilang ng nasabing makina.

Matapos nilang mailahad ang kanilang sentimyento, kusa na rin nilang tinapos ang kanilang kilos-protesta.

Read more...