“Lady solon todo inlove sa isang multi-national firm executive” ni Den Macaranas

den-macaranas1Kakaiba ang sweetness na nasaksihan ng ating Cricket sa bagong mag-sweetheart na pinagtagpo raw ng tadhana sa ating bansa.

Si Boyfriend na foreigner ay executive officer ng isang multi-national company na may malaking kontrata sa gobyerno.

Si Girlfriend naman ay isang mambabatas na hiwalay sa asawa pero sa kabila ng kanyang edad ay talaga namang batam-bata pa rin ang pangangatawan.

Mas bata si Boyfriend kesa kay Girl pero it does’nt matter naman lalo’t above the sky ang pagmamahalan nila sa isat-isa.

Kung dati ay patago, ngayon ay medyo nagpapakita na ang dalawa sa publiko ng kanilang extra sweetness sa isa’t-isa lalo’t marami na ang nakaka-alam ng kanilang itinatagong pagmamahalan.

Si Boyfriend ay na-involved na rin dati sa ilang mga local celebrities pero hindi rin nagtagal ang mga iyun dahil talagang may pagka-pilyo ang loko.

Pero iba raw ang tama sa kanya ng Lady Solon dahil kahit mas may edad sa kanya at mga anak na ay pinursue pa rin niya ang tibok ng kanyang puso.

Wala na sanang problema sa kanilang relasyon pero may mga nang-iintriga.

Tatakbo kasi sa eleksyon ang isa sa mga kapatid ni Girl.

Sinabi ng ilang mga bashers na baka kaya pinatulan ni Lady Solon ang gwapong executive ay dahil sa mahalagang papel na pwedeng gampanan nito sa political ambition ng kanyang brother.

Sa tingin ng tingin ng ating Cricket ay hindi naman seguro dahil kakaiba raw talaga ang ningning sa mga mata nang dalawa kapag sila ay magkasama.

Hayaan na natin sila tutal naman eh buhay nila yun di ba?

Ang Lady Solon na in-lababo sa isang foreigner na BF ay si Madam K.P….as in Kilalang Pang-beauty.

Ang kanyang bata at foreigner ma Boyfriend ay si C.F….as is Compact Flash.

Read more...