LRT 1 humirit ng dagdag na pamasahe

Humirit ng dagdag-singil ang Light Rail Manila Corp. (LRMC) para sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Ipinahayag ni LRMC President and CEO Juan Alfonso na humiling ang kompanya ng taas-pasahe noong Marso.

Nais ng LRMC na taasan nang P5 ang pamasahe at P7 dagdag-singil sa end-to-end trip mula Baclaran hanggang Roosevelt station.

Target na maipatupad ito sa August 1.

Isasailalim pa sa public consultation ang hirit na dagdag sa pamasahe at sa dadaan pa sa Department of Transportation.

Ayon kay Alfonso, layunin nitong mabawi ng LRMC ang investments nito sa rehabilitasyon at iba pang pagsasaayos sa LRT-1 sa nakalipas na tatlong taon.

Sa ilalim ng kasunduan ng LRMC at gobyerno, maaaring itaas nang 10% ang pamasahe kada dalawang taon.

Huling nagkaroon ng fare adjustment ang LRT1 noong January 2015.

Read more...