Malacañang aminado na mas prayoridad ang mas magandang relasyon sa China

Hindi muna papansinin ng Malacañang ang naging arbitral ruling ng United Nations sa maritime dispute sa South China Sea.

Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, walang intensyon palasyo na galitin ang China habang inaayos ang magandang relasyon ng dalawang bansa.

Hindi na rin aniya bago para sa Malacañang ang pag landing ng bomber plane ng China sa nasbaing lugar pati na ang paglalagay umano ng missile system sa West Philippine Sea.

Malinaw naman aniya ang intensyon ng China nang magsagawa ng reklamasyon sa mga isla sa South China Sea ay para gamitin bilang base militar at hindi para gawing tourist attraction.

“We will move on issues we can agree upon and set aside contentious issues for now,” “Ang perspektibo ng Malacañang ay wala pong bago dito, lahat po ‘yan nangyari na, parte na po ‘yan ng kasaysayan,” ayon pa kay Roque.

Nauna dito ay hinamon ng mga iba’t ibang mga grupo ang Malacañang na manindigan at ipaglaban ang karapatan sa West Philippine Sea.

Read more...