Pinabulaanan ni Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) interim president Celestina Ma. Jude Dela Serna ang umano’y anomlaya sa pondo ng ahensya.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig sa Kamara sa performance ng PhilHealth, sinabi ni Dela Serna na walang siyang nilabag na batas sa paggasta ng pondo ng nito.
Tiniyak ng opisyal na napupunta sa pangangalaga ng kalusugan ng mga mamamayan ang kaban ng PhilHealth.
Dagdag niya, ipinatupad niya ang pagbalasa sa regional heads ng PhilHealth at pagpapaiksi sa mga kontrata ng casual employees bagamat labag sa kanyang loob.
Aniya, ginawa niya ito para malinis sa korapsyon ang ahensya.
Una nang ipinagpapaliwanag ng Commission on Audit ang pagbyahe ni De la Serna na aabot sa mahigit P600,000 sa loob ng isang taon sa kabila ng P9 Billion pagkalugi ng ahensya.
Naungkat rin sa imbestigasyon ang madalas na pagtira sa mga hotel ni Dela Serna at pag-uwi sakay ng eroplano sa kanilang lalawigan sa Bohol.