Demolisyon ng mga iskwater sa Intramuros ipinatigil ni Erap

Inquirer file photo

Kinansela ni dating pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ang paggiba sa kabahayan ng informal settlers sa Intramuros, Maynila.

Ito ay makaraang magka-tensyon sa pagitan ng demolition team at ng mga residente na humambalang sa kalsada.

Ipinahayag ni Estrada na ipinatigil niya ang demolisyon alinsunod sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na “no relocation, no demolition.”

Bagaman armado court order mula kay Manila Regional Trial Court Branch 7 Sheriff Manuelito Viloria, kulang naman sa pakikipag-ugnayan sa pulisya ang nakatakdang demolisyon.

Ayon kay Viloria, naantala ang operasyon dahil sa paghahakot ng gamit ng mga residente. Biniyan niya ng hanggang alas-1:30 kaninang umaga ang mga residente na lisanin  ang lugar.

Gayunman, ipinakita ng pangulo ng samahan ng mga residente kay Viloria na mismong ang mga residente ang gumiba sa kanilang bahay.

Sinabi ng mga residente na handa silang lisanin ang kanilang mga tirahan pero manlalaban sila kapag naging marahas ang demolition team.

Hiniling naman ng informal settlers sa mga opisyal na hintayin na makahanap sila ng matitirahan bago gibain ang mga bahay sa lugar.

Read more...