Kuntento si Pangulong Rodrigo Duterte sa ginagawang rehabilitasyon sa Marawi City.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bilib ang pangulo sa trabaho ni Task Force Bangon Marawi Chairman Eduardo Del Rosario.
Ibinida pa ni Roque na sa ngayon ay nasa 70 percent ng mga residente ay nakabalik na sa kani kanilang tahanan.
Nabigyan na aniya ang mga residente ng temporary o kung hindi man ay permanenteng tahanan.
Kung tutuusin sinabi ni Roque na ahead of time pa ang rehabilitasyon ng gobyerno sa Marawi City.
Gayunman, humihingi naman ng pang-unawa si Roque sa mga residente na naninirahan sa most affected areas na huwag mainip at maghintay lamang at sisimulan na rin ang rehabilitasyon sa kanilang lugar.
Kinakailangan kasi aniyang dumaan sa tamang proseso ang rebuilding sa ground zero.
Dagdag pa ni Roque, “So ‘yan po ay under in a year’s time. We are even ahead of schedule pagdating po dun sa mga rebuilding of the communities. Of course, ‘yung most affected areas po ay sisimulan pa lamang”.
Ang importante ayon kay Roque ay namumuhay na ng normal ngayon ang karamihan sa mga resident ng Marawi City.
Idinagdag pa ni Roque na magtutungo sila ng pangulo sa lungsod bukas para sa unang anibersaryo ng Marawi siege.