Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nasa ombudsman na ang bola sa pagpapanagot sa mga opisyal na gumagawa ng katiwalian o korupsyon sa gobyerno.
Iginiit pa ni Roque na mayroong constitutional mandate ang ombudsman para magsagawa ng preliminary investigation at magtukoy kung may nilabag na anti graft law si Montanao.
Matatandaang nagsumite na kagabi ng resignation letter si Montano kay Tourism Secretary Bernadette Puyat at sa Malakanyang na agad namang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ngayon, wala pa namang napipisil ang pangulo na papalit sa puwesto ni Montano.