Ito ayon kay Sotto ay para palakasin pa ang relasyon ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Inaasahan na pag-uusapan ng dalawa ang mga nakabinbing priority bills sa dalawang kapulungan.
Gayundin para magkaroon ng mas malinaw na linya ng komunikasyon sa kanilang hanay at maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
Una nang inihayag ni Sotto na maging sa Malakanyang ay kailangan na magkaroon sila ng maayos na sistema ng komunikasyon para sa pagpasa ng mga panukala at agarang pagsasabatas ng mga ito para sa kapakinabangan ng taumbayan.
Bago pa ito, tiniyak ni Sotto na hindi niya hahayaan na batikusin ang Senado ng basta basta na lang at walang basehan.
Pagtitiyak pa nito na magiging pantay ang pagtingin niya sa mga senador na nasa mayorya at minorya.