Aabot sa P9 na milyon halaga ng ilegal na droga ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon nito sa Legazpi City at sa Cavite City.
Sa Legazpi City, nasabat ng PDEA ang P3.4 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang supplier na kinilalang si Myla Panuncio na residente ng Pasay City.
Ayon kay PDEA Bicol director Christian Frivaldo, nakuha sa suspek ang 500 gramo ng shabu. Sinabi ng PDEA na posibleng supplier ng droga si Panuncio sa Rehiyon.
Sa ngayon, nagsasagawa ng malalalimang imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing suspek.
Samantala, sa Dasmarñas Cavite naman aabot sa P6 milyon halaga ng shabu ang nasabat din ng PDEA sa isang buy-bust operation.
Ayon kay PDEA-Calabarzon chief Adrian Alvariño, nadakip nila sa nasabing operason ang isang 18 anyos na lalaki na ilang buwan din nilang isinailalim sa surveillance.
Aabot sa 1 kilo ng shabu ang nakuha mula sa bahay ng suspek.
Ayon kay Alvariño maaring bahagi ng isang malaking drug ring ang suspek at patuloy nila itong sisiyasatin.
Aminado naman ang suspek na dati na siyang tumatanggap ng utos para magdeliver ng droga pero tumanggi pa itongtukuyin ang grupong nasa likod nito.