Cleaveland Cavaliers naitabla na ang serye sa eastern conference finals ng NBA

Naitabla na ng Cleveland Cavaliers ang best of seven series sa eastern conference finals ng NBA.

Ito ay makaraang muling magwagi ang Cavaliers kontra Boston Celtics sa game 4 ng laban sa score na 111 – 102.

Nagawa ng Cavaliers ang dalawang magkasunod na tagumpay dahilan para maitala nila ang 2-2 sa serye.

High scorer ng koponan si Lebron James na nakapagtala ng 44 points.

Dahil dito, inaasahang magiging mainit ang muling paghaharap ang dalawang koponan sa game 5.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...