Joma Sison at asawa tumanggap ng P2.4M na martial law compensation

Natanggap ni Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Maria Sison ang reparation mula sa gobyerno bilang biktima ng karapatang pantao noong Martial Law.

Sa isang ulat, sinabi ni Sison na tig-P1.2 milyon ang ibinigay sa kanya at kanyang asawang si Julie De Lima para sa kanilang pagkakadetine at pagpapahirap na kanilang dinanas sa ilalim ng diktaduryang Marcos.

Ipinahayag ni Sison na anuman ang halaga ng danyos na ibinayad ng gobyerno, ang mahalaga aniya ay natanggap na ng gobyerno ng Pilipinas na may mga naganap na paglabag sa karapatang pantao.

Tiniyak ang reparation sa ilalim ng batas noong 2013 na kinikilala ang kabayanihan at mga sakripisyo ng mga biktima ng karapatang pantao sa ilalim ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Una nang ipinahayag ni Lina Sarmiento, pinuno ng Human Rights Victims’ Claims Board na sa 75,749 na claimants, 14% lamang ang makakatanggap ng reparation dahil bigo ang iba na patunayan na biktima nsila ng labis na paglabag sa karapatang pantao.

Nagmula sa P10 bilyon Swiss bank deposits ng pamilya Marcos ang monetary repartion para sa mga biktima ng Martial Law.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...