Magkapatid nasawi sa Davao Del Sur makaraang mabiktima ng food poisoning

Patay ang magkapatid na pinaniniwalaang nabiktima ng food poisoning sa Santa Cruz, Davao del Sur.

Kinilala ang mga batang sina Joemarie at Jollymar Rusia.

Naospital ang magkapatid at kanilang ina matapos makaranas ng pananakit ng tyan at pagsusuka.

Kumain sila ng seafood na tipay, aninikad at kumong-kumong.

Kinain din ito ng kanilang mga kapitbahay pero maayos naman ang kanilang lagay.

Iniimbestigahan ng Municipal Health Office ang sanhi ng pinaniniwalaang food poisoning.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...