Nawawalang Pinay sa Ireland, natagpuang patay ng mga otoridad

Natagpuang patay ang isang Filipina college student na unang napaulat na nawawala sa Rathmichael, Co Dublin sa Ireland.

Nadiskubre ng mga otoridad ang mga labi ni Jastine Valdez, 24 taong gulang, malapit sa isang golf course sa Pucks Castle.

Huling namataan ng mga saksi si Valdez noong Sabado na pilit na isinakay sa isang itim na Nissan Qashqai sa Enniskerry, County Wicklow.

Natagpuan ang cellphone ni Valdez malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Batay sa imbestigasyon, dinala si Valdez sa bahay ng Irishman na si Mark Hennessy, 40.

Gayunman, ayon sa partner nito, hindi dumating sa kanilang bahay si Hennessy noong gabing nawala si Valdez.

Napatay ang suspek na si Hennessy matapos umanong tutukan ang kutsilyo ang mga otoridad.

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga otoridad ang insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...